Posted June 25, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nauwi sa trahedya ang masaya sanang selebrasyon ng mag-babarkada
sa Pista ni San Juan Bautista sa bayan ng Batan kahapon matapos na malunod ang
isa nilang kasama.
Ang biktimang si Christopher Reyes, 41 anyos, ng Cabugao,
Batan, ay natagpuan nalang ng mga kasama nito na palutang-lutang sa tubig at
wala ng buhay.
Sa blotter report ng Batan PNP, kasama umano ng biktima
ang kanyang mga barkada na nakikipag-inuman sa ilog sa lugar dahil sa
selebrasyon ng kapistahan ni San Juan Bautista kahapon.
Nabatid na bago umano mangyari ang insidente ay tumalon
sa malalim na bahagi ng ilog ang biktima para sana maligo ngunit makalipas
umano ang ilang minuto ay hindi parin ito nakaahon mula sa tubig.
Dito na umano humingi ng tulong ang mga kasama nito para
hanapin ang biktima ngunit makaraan ang dalawang oras ay nakita nalang ang
katawan nito bandang ala-5 ng hapon na wala ng buhay.
Samantala, napag-alaman sa imbestigasyon ng Batan PNP na
sa pagtalon umano ng biktima sa ilog ay sumabit ito sa ilalim ng isang balsa.
No comments:
Post a Comment