Pages

Friday, June 10, 2016

Lahat ng kumandidato sa provincial level ng Aklan, nag-sumite ng SOCE

Posted June 10, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for soce COMELECMula sa Sangguniang Panlalawigan hanggang sa pagka-Congressman ay nakapagsumite naman umano ang mga ito ng Statement of Contributions and Expenditures (SOCE).

Ito ay base sa datos ng Commission on Elections (Comelec)-Aklan kung saan ang deadline nito ay nitong Hunyo 8, 2016 matapos ang ibinigay sa kanila ng Comelec na tatlong araw para sa pag-proseso nito.

Sa SOCE makikita kung gaano kalaki ang ginastos ng mga kandidato sa nakaraang eleksyon para sa kanilang pangangampanya.

Nabatid na sa pagka vice-governor ay gumastos ng P203,144.59 ang nanalo na si Reynaldo Quimpo  ng (Nacionalista Party) habang ang katunggali nitong si Leovigildo Mationg ng (UNA) ay gumastos lamang umano ng P10,000.

Maliban dito, idiniklara naman ni Governor-elect Florencio Miraflores ng (LP) ang kanyang nagastos na umabot sa P499,516.70 at ang mahigpit na kalaban nitong si Antonio Maming ng (UNA) na gumastos ng P105,320.

Sa kabilang banda si Congressman-elect Carlito Marquez naman ng Nationalist People’s Coalition (NPC) ay gumastos ng P895,503.60, na may kontribusyon na nag-kakahalaga sa P212,000 habang si outgoing congressman Teodorico Haresco, Jr. ay gumastos naman umano ng P886,510.79.

Samantala, ang sino mang kandidato sa nakaraang eleksyon nanalo man o natalo na hindi nakapagsumite ng SOCE ay mahaharap sa kaukulang penalidad ng Comelec.

No comments:

Post a Comment