Posted June 30, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Photo by BAG |
Dahil sa sunod-sunod na insidente sa Flying Fish
Activities sa isla ng Boracay hiniling ngayon ng BFRAV Medical Responders sa
LGU Malay na e-regulate ang operasyon nito sa isla.
Base sa inilabas na panawagan ng BFRAV napag-alaman sa
nakalipas na dalawang buwan noong Mayo at Hunyo ay ilang aksidente ang nanyari
kung saan karamihan sa mga biktima ay nagtamo ng dislocation sa balakang,
balikat at tuhod.
Nabatid na kadalasang mga biktima nito ay mga turistang
foreigner na mahilig sa mga island activities sa Boracay.
No comments:
Post a Comment