Pages

Friday, June 03, 2016

Driver ng E-Trike sa Boracay na naging viral sa social media dahil sa paniningil ng mahal, pa-iimbestigahan

Posted June 3, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for 100 pesosViral ngayon sa social media ang isang driver ng isang kumpanya ng Electric Tricycle (E-trike) sa isla ng Boracay.

Ito’y matapos kuhaan siya ng litrato kasama na ang kanyang minamanehong sasakyan ng pasaherong kanya umanong siningil ng mahal na pamasahe.

Sa 19th Regular SB Session ng Malay nitong Martes, ibinahagi ni SB member Floribar Bautista ang naturang isyu sa pagitan ng driver at ng turistang pasahero.

Ayon kay Bautista sinisingil umano ang nasabing pasahero ng 100 pesos mula sa D’Mall area hanggang sa Boracay Regency na parehong sa station 2 at ilang metro lamang ang pagitan.

Dahil dito inaalam na ngayon ng SB Malay kung sino ang operator ng nasabing sasakyan para malaman kung sino rin ang naturang driver na nakatakdang imbitahan sa Session para pagpaliwanagin.

Samantala, nagsagawa naman ng magkahiwalay na imbestigasyon ang Malay Transportation Office (MTO) kung saan sinabi ni MTO Officer Cesar Oczon na aminado umano ang driver na naningil siya ng mahal ngunit hindi naman umano sumakay sa kanya ang pasahero.

Kaugnay nito muling bubuksan ng konseho ang usapin sa paulit-ulit na problema sa mga driver ng tricycle at e-trike sa Boracay sa pangunguna ng Municipal Transportation Franchising Regulatory Board (MTFRB) dahil na rin sa nasabing insidente.

3 comments:

  1. Dapat matagal ng ginawan ng paraan ng mga locals at gov't agency yong problema na yan. Sa dami ng nagreklamo ngayon lang sila gumalaw dahil ba sa facebook?? Kelangan ba talaga ibroadcast para lang mapansin nila?? Dapat talaga ipagbawal na ang mga chartered na yan. Dyan nagsisimula ang pagiging swapang ng ibang mga driver na yan na sa totoo lng hindi namn taga dito. Sila yong pasimuno ng lahat ng yan.

    ReplyDelete