Posted June 11, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Unti-unti na ngayong nararanasan ang tag-ulan at ang
lakas ng hangin dala ng Southwest monsoon o Habagat sa isla ng Boracay.
Dahil dito ang Philippine Coastguard (PCG) Caticlan ay
paiigtingin umano ang deployment ng kanilang pwersa para sa seguridad ng
publiko at mga turista.
Ayon kay Lt. Edison Diaz Commander in Chief ng PCG-Caticlan,
nagdagdag umano sila ng mga tauhan mula sa ibat-ibang lugar sa Western Visayas
at district para mag-monitor sa takbo ng panahon sa karagatan.
Sinabi din nito na kung nakikita nila na hindi kaya
tumawid ng mga bangka sa Cagban at Caticlan Jetty Port dahil sa Habagat ay
nag-uusap umano sila ng CBTMPC at Jetty Port para sa paglipat ng biyahe ng mga
bangka sa Tabon at Tambisaan port.
Bago ito ay nagpatawag na umano siya ng
meeting sa mga concern agencies kung saan ilan sa pinag-usapan rito ay ang
tungkol sa kanilang paghahanda sa Habagat at ang paglipat ng mga water sports
activity sa Bolabog beach.
Nabatid na ang Tambisaan at Tabon Port ay siyang alternatibong
ruta na ginagamit tuwing malakas ang alon sa Cagban at Caticlan na siya namang
dahilan para magdagdag ng maraming pwersa ng Coastguard.
No comments:
Post a Comment