Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Nanlumo ang
dalawang turista na nag-sumbong sa Boracay PNP matapos ang mga itong mabiktima
ng magnanakaw habang sila ay naglalakad sa Sitio Bolabog, Brgy. Balabag
kahapon.
Nakilala ang mga
biktima na sina Tong Ching Ling Angeline, 28-anyos Singaporean national at Tan
Ye Ting, 27-anyos na isa namang Malaysian national.
Sumbong ng mga
ito sa Boracay PNP, naglalakad umano silang dalawa sa kalsada ng nasabing lugar
ng bigla nalang hablutin ang kanilang dala-dalang sling bag ng hindi nakilalang
lalaki na nakasakay sa motorsiklo.
Nabatid na
naglalaman ang dalawang bag ng kani-kanilang cellphone, Mac Book Air, 300
Singaporean dollars, 200 US dollars at Philippine money na P12, 000.
Samantala,
ini-imbestigahan na ng mga pulis ang nangyaring nakawan kung saan inaalam na
rin ng mga ito kung may CCTV sa lugar upang makatulong na makilala ang suspek
sa nangyaring robbery.
No comments:
Post a Comment