Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Isa naman ngayong
boarding house ang niluoban ng magnanakaw sa Sitio Bulabog, Brgy. Balabag,
Boracay kahapon.
Sumbong ng biktima
na si Luigi Mortalla 23-anyos, residente ng Makato, Aklan at temporaryong
nakatira sa nasabing Brgy. sa Boracay PNP, nagising nalang umano siya na
nawawala na ang kanyang dalawang cellphone, wallet na naglalaman ng
importanteng I’d at cash na P6,000 kung saan nakalagay lahat ito sa kanyang
back pack bag.
Nabatid na bago
mangyari ang insidente ay pumunta ang biktima sa birthday party ng kanyang
katrabaho kung saan sa pagbalik naman nito ay maayos parin umano ang kanyang
kwarto nito at naka-lock ang pintuan pero bahagyang nakabukas ang bintana
ngunit hindi naman niya ito umano inintindi.
Sa ngayon ay
patuloy na ini-imbestigahan ng imbestigador ng Boracay PNP station ang
nangyaring pagnanakaw sa lugar.
No comments:
Post a Comment