Posted June 22, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ito ang sinabi ni Sangguniang Bayan member Danilo Delos
Santos sa ika-22nd SB Session ng Malay kahapon ng Martes.
Personal na tinutukoy rito ni SB Delos Santos ay ang sa
area ng Ambulong Station 3 kung saan hindi humuhupa ang tubig doon sa kalsada
kahit na walang pag-uulan.
Sinabi nito na halos tatlong buwan na ang problemang ito
kung saan kanya-kanya nalang sa paggawa ng solusyon ang mga establisyemento
doon katulad ng paglalagay ng harang sa harapan ng kanilang mga tindahan upang
mag-slow down ang mga sasakyan para hindi sila matalsikan ng tubig.
Lumalabas din umano sa unang pag-susuri ni SB Delos
Santos na galing sa taas ng Ambulong area ang naturang mga tubig na dumadaloy
pababa.
Nabatid na nanggagaling din umano ito sa mga banyo, tubig
na ginamit sa panlalaba, paligo at iba pa na itinuturong dahilan sa baha na
ngayon ay halos ayaw humupa dahil sa hindi pa natatapos ang drainage project sa
lugar.
Samantala, mismong ang Sangguniang Bayan umano ang
mag-iinspeksyon nito kung saan talaga nanggagaling ang tubig kasama ang mga
taga Engineering office ng Malay.
No comments:
Post a Comment