Pages

Monday, June 13, 2016

Bagong DepEd memo naging problema sa ilang paaralan sa Malay

Posted June 13, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for DepEd order
Sa pagbubukas ng klase ngayong araw ibat-ibang problema ang sumalubong hindi lang sa mga guro, estudyante kundi sa mga magulang.

Kabilang na nga rito kakalabas na DepEd memo ng Department of Education kung saan ipinag-uutos sa mga paaralan na hindi puweding tanggapin sa grade-1 ang mga batang wala pa sa anim na taong-gulang.

Sa panayam ng himpilang ito kay Chief Education Supervisor Curriculum Implementation Division DepEd Aklan Dr. Dovie Parohinog, ito umano ay base sa mandato ng DepEd national.

Sa kabila nito nilinaw naman ni Paruhinog na nagbigay ngayon ang DepEd ng adjustment o allowance hanggang sa katapusan ng buwan ng Hunyo para sa mga papasok sa grade-1 na mag-aanim na taon palamang ngayong buwan.

Ngunit dadaan pa umano ito sa ilang proseso kagaya na lamang ng pagkuha ng permit o request sa Superintendent ng paaralan.

Samantala, layun umano ng order na ito na maging handa ang mga kabataan na dumalo sa formal education.

No comments:

Post a Comment