Posted June 23, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Suportado umano ng SB Resolution 127 Series of 2011 ang
pag-pahintulot ng 9-storey project sa Yapak.
Ito ngayon ang naging pahayag ng Boracay Redevelopment
Task Force (BRTF) pagkatapos na binanggit ni SB Member Fromy Bautista sa
nakaraang SB Session ng Malay na may isang malaking kumpanya sa Boracay ang
umanoy’y lumabag sa ordinansa ng height limit.
Ayon kay BRTF Secretariat Head Mabel Bacani, kumpleto
umano sila sa dokumento na umano ay pirmado ni Engr. Elizer Casidsid na siyang
nag-aproba sa height limit ng naturang building base sa planong isinumite
maliban sa SB Resolution ng Sangguinang Bayan.
Iginiit din ni Bacani na nagsagawa umano sila ng
inspeksyon sa lugar kung saan pinadalhan pa umano nila ng Notice of Violation
patungkol sa Height Limit ng Hotel na may petsa September 9, 2015 na pirmado
Engr. Azor Gelito.
May dokumento din itong ipinakita na sumulat sa kanila
ang Project Manager ng kumpanya na hindi umano sila lumabag sa ano mang
violation ng Municipal Ordinance No. 328 Series of 2013 at bukas sila sa ano mang pag-uusap at
imbestigasyon.
Ani Bacani, bukas sila kung may imbestigasyon na gagawin
ang Sangguniang Bayan para maliwanag sa publiko ang nangyari hinggil sa
nasabing kontrobersya.
Dagdag pa nito na hawak nila ang lahat ng dokumento at
handa nila itong i-presenta sa binabalak nilang press conference na mangyayari
sa mga susunod na linggo.
No comments:
Post a Comment