Posted May
26, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Walong police unit ng Aklan Police Provincial Office
(APPO) ang nakasungkit ng Gold Eagle at Silver Eagle Awards ng Philippine
National Police (PNP) na ginanap sa Camp Martin Teofilo Delgado sa Iloilo City.
Ito ay kaugnay sa PATROL (Peace & Order Agenda for
Transformation &. Upholding of the Rule-Of-Law) Plan 2030 compliance stage
ng PNP.
Dito iginawad ang Gold Eagle award sa Malinao police
station matapos makakuha ng average na 96.49%, pinakamataas sa 17 municipal
police stations sa Aklan.
Maliban dito napabilang naman sa Silver Eagle award ang
Kalibo na may (92.17%);Altavas (91.32%); Libacao (91.18%); Numancia(90.99%);
Tangalan (90.94%); Boracay Tourist Assistance Center (90.52%) at Aklan
Provincial Public Safety Company (90.14%) na nakakuha ng over-all rating ng
mahigit sa 90% sa isinagawang Compliance Evaluation Process.
Nabatid na ang mga naturang parangal ay pagkilala sa mga
nasabing police station dahil sa kanilang pagpapatupad ng maayos na PATROL Plan
sa kanilang mga nasasakupan.
No comments:
Post a Comment