Posted May 7, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Nanlumo ang
turistang nagsumbong sa Boracay PNP matapos itong pagnakawan habang naliligo sa
dagat sa Station 1 Balabag, Boracay.
Nakilala ang
turista na si Gideon Kylo Yulip 29-anyos at temporaryong nakatira sa nasabing
lugar.
Sumbong ng
biktima sa Boracay PNP, iniwan niya umano sa dalampasigan ang kanyang gamit
para maligo ngunit makalipas ng ilang minuto ay nadiskubrehan nalang nito na
nawawala na ang kanyang water proof pouch na nag-lalaman ito ng wallet, ID,
dalawang cellphone at cash na P5,000.
Nabatid na
sinubukan pa umanong hanapin ng biktima ang kanyang gamit ngunit bigo niya rin
itong makita.
Samantala sa
ginawang follow-up investigation ng mga pulis, napag-alaman na menor de-edad
ang sangkot sa nasabing nakawan kung saan sa ngayon ay hindi pa ito matunton ng
mga kapulisan.
No comments:
Post a Comment