Posted May 27, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Walang
kamalay-malay ang isang turista na ninanakawan na pala siya habang nanunuod ng
fire dancing show sa isang resort sa Balabag, Boracay kagabi.
Sumbong ng
biktimang si Ma. Teresa Marcelo 57-anyos nakatuon umano ang kanyang pansin sa
mga sumasayaw habang kumukuha ng video kung saan nilapag nito ang kanyang bag
malapit sa kanyang inuupuan.
Agad umano nitong
kinapa ang kanyang bag sa pinaglagyan nito ngunit laking gulat ng biktima na
nawawala na ito sa kanyang tagiliran.
Dahil dito
pinaniniwalaan ng biktima na tinangay ng magnanakaw ang kanyang bag na
naglalaman ng ATM card, mamahalagang I.D at wallet na may lamang cash na
P5,000.
Samantala ang
nasabing reklamo ay patuloy ngayong iniimbestigahan ng Boracay PNP kung saan
pinaalalahan din nito ang biktima na huwag magpakampanti sa paglalapag ng mga
mamahaling gamit sa kung saan dahil sa naglipanang magnanakaw sa isla.
No comments:
Post a Comment