Posted May 3,
2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Image by LaBoracay 2016 page |
Tumaas ng halos limang libo ang naitalang tourist arrival
sa ginanap na LaBoracay event ngayong 2016 kumpara noong nakaraang taong 2015
sa Boracay.
Ito ay base sa ipinadalang datos ng Municipal Tourism
Office (Mtour) Malay kung saan umabot sa 45, 126 ang naitalang tourist arrival sa
loob ng limang araw sa kasagsagan ng nasabing event simula noong Abril 27
hanggang nitong Mayo 1, 2016 kumpara noong 2015 sa kaparehong period na umabot
lamang sa 40, 051.
Dito nagpapakita na karamihan sa mga dumalo sa napakaling
event ay mga Local tourist na umabot sa 32, 375, pumapangalawa rito ang Foreign
tourist na may bilang na 11, 991 habang ang OFW ay umabot naman sa 760.
Nabatid na dumagsa ang napakaraming turista sa Boracay noong
Abril 29 at Abril 30 para humabol sa highlight ng event nitong Mayo 1 kung saan
karamihan sa mga ito ay mga magbabarkada.
Ang LaBoracay ang nasa ikatlong taon ng ginagawa sa isla
kung saan limang araw na nagkakaroon ng malalaking party event sa beach front
na inoorganisa ng malalaking kumpanya sa bansa katulad ng telecommunication
company o mga kumpanya ng mga inumin.
No comments:
Post a Comment