Posted May 13, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Nagreklamo ng
pagnanakaw ang isang babae sa Boracay PNP matapos umanong luoban ang kanilang
tindahan sa Sitio Hagdan Brgy. Yapak, Boracay.
Sumbong ng
biktimang si Rhazel Talaga 28-anyos sa mga pulis, nadatnan nalang umano nila ng
kanyang kapatid na nakakalat na ang kanilang mga paninda kung saan ang laptop
na nakapatong sa kama ay nawawala na.
Nabatid na pilit
umanong sinira ng hindi nakilalang magnanakaw ang padlock ng kanilang pintuan dahilan
para makapasok ito sa loob.
Samantala napag-alaman
na tanging ang laptop lamang ang tinangay ng kawatan kasama ang charger.
Sa ngayon patuloy
ang ginagawang imbistigasyon ng mga pulis hinggil sa nangyaring pagnanakaw.
2 pang NBA player, hindi makakapaglaro sa France sa FIBA Olympic Qualifier
By Bombo Jerald Ulep Posted in Sports News Friday, 13 May 2016 03:25
Mas
lalong lumalaki ang tyansa ng Gilas Pilipinas na manalo laban sa mas
malakas na koponan sa 2016 FIBA Olympic Qualifying Tournament sa Manila
sa July.
Base sa mga lumabas na report, hindi na rin makakapaglaro sina Ian Mahinmi ng Indiana Pacers at Evan Fournier ng Orlando Magic para sa Team France dahil sa bagong NBA contracts.
Magaganap ang contract signing sa July 10, 2016.
Una nang lumabas ang mga balitang hindi na rin maglalaro sina Nicolas Batum (Charlotte Hornets) at Rudy Gobert (Utah Jazz) sa France.
Sa July 5 ay maghaharap ang Gilas Pilipinas at France sa opening day ng FIBA Olympic Qualifying Tournament sa Mall of Asia Arena (MoA).

No comments:
Post a Comment