Posted May 6, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Naglagay ng karagdagang 50 pulis ang Police Regional
Office 6 sa Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) para sa seguridad sa May 9
national elections.
Ayon kay Senior Inspector Nilo Morallos, BTAC chief,
magsisimula na ngayong araw ang pag-deploy sa mga nasabing pulis sa tatlong
brgy. sa isla na may polling centers kasama na ang kanilang 138 na Police Personnel.
Napag-alaman kasi na ngayong araw na ng Biyernes ang
inaasahang pagdating ng mga voting counting machines (VCM) na gagamitin sa
halalan sa Lunes.
Nauna ng sinabi ni Morallos na naka-full alert na ang
kanilang hanay para sa kanilang preparasyon sa eleksyon.
Nabatid na mayroong 21,622 na mga botante ang isla ng
Boracay kung kayat matinding seguridad ang ginagawa ng mga pulis para sa maayos
at patas na halalan.
No comments:
Post a Comment