Posted May 2, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Naging matagumpay ang ginanap na Pili Aklan Political
Forum ng Kapisan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) para sa mga kandidato sa
probinsya.
Ito’y sa kabila ng mga pasaring ng bawat magkatunggali sa
pagka-Congressman, Governador at Vice Governor sa kanilang one on one debate
nitong Sabado.
Dito nagharap ang Liberal Party na pinamumunuan ni
Congressman Teodorico Haresco kasama ang kapartido nito na si Governor Joeben
Miraflores at ang bagong tatakbong Vice-Gobernador na si Atty. Boy Quimpo,
habang pinangunahan naman ni dating Gobernador Carlito Marquez ang United National
Alliance (UNA) kasama si Antonio Maming na tatakbong Governador at si Atty.
Lovell Mationg na tatakbo naman sa pagka-Bise Governador.
Sa pagharap ng mga ito ay ibat-ibang mga isyu ang ibinato
bawat isa kung saan umabot din ang mga ito sa personalan ngunit nananatili
namang kalmado ang mga ito sa huli.
Samantala, todo suporta naman ang supporters ng bawat
grupo hanggang sa matapos ang debate na umabot ng halos limang oras.
Ang Political Forum ay inorganisa ng Kapisanan ng mga
Brodkaster ng Pilipinas (KBP)-Aklan Chapter katuwang ang Comelec, PPCRV at
ibat-ibang organisasyon sa probinsya.
No comments:
Post a Comment