Posted May
12, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Talamak ngayon ang pagputol ng mga punong kahoy sa
ibat-ibang lugar sa bansa maging sa probinsya ng Aklan.
Dahil dito ipinaliwanag ngayon ng Provincial Environment
and Natural Resources na ang pagputol ng kahoy na walang permit to cut’ at ‘transport’
mula sa DENR o maging sa iyong sariling lugar ay kinokonsidirang illegal
logging.
Ayon kay Assistant Public Information Officer Marlon
Vidal, ng DENR-Provincial Environment and Natural Resources Aklan, importante
ang pagkuha ng permit mula sa DENR kahit ito ay sarili mong tanim para hindi ka
makasuhan ng illegal logging.
Sinabi nito na kailangan lamang sa pagkuha ng ‘pemit to
cut’ ay authenticated tax declaration, sketch map na may technical description,
barangay certification na nagpapatunay na ang punong puputulin ay pasok sa lugar
ng may-ari, at letter of consent na naka-address sa DENR-PENRO Aklan.
No comments:
Post a Comment