Posted May
25, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Siyam na mga pulis ng Philippine National Police – Kalibo
ang ginawaran ng Medalya ng Kagalingan sa isang seremonya sa Camp Delgado,
Iloilo City.
Ayon kay Police Chief Inspector Al Loren Bigay, at isa sa
nabigyan ng parangal, hindi niya inaasahan na mabibigyan sila ng malaking
parangal kung saan tanging inaasahan lamang umano nito ay ang Medalya ng
Kasanayan dahil sa maayos na ginawa ng kanyang grupo.
Nabatid na ang Kalibo PNP ay isa sa anim na istasyon ng pulis
sa Western Visayas, na naunang nagpatupad ng search warrant sa illegal drugs,
na siyang posibleng dahilan ng pagbigay ng naturang award sa kanilang himpilan.
Maliban dito
sinabi pa ni Bigay na isa din umano sa mga dahilan dito ay ang patuloy na
operasyon ng Kalibo PNP laban sa illegal drugs kung saan kamakailan ay nakahuli
sila ng malaking suspek sa droga matapos makuha ang 19.77 gramo ng shabu at
43.18 gramo ng marijuana.
Ang Medal of Merit ay base sa National Police Commission
Memorandum Circular Number 93-018 na binibigay sa kapulisan na nagpapakita ng
magaling at maayos pagtratrabaho at responsibilidad.
No comments:
Post a Comment