Posted May
25, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Ayon kay Provincial Health Officer I, Dr. Cornelio Cuachon,
simula umano nitong Enero 1 hanggang Mayo 17 ngayong taon ay meron nakapagtala
sila ng kasong 365 kung saan mas mataas ito kumpara noong nakaraang taong 2015
na may record lamang na 140.
Dagdag pa ni Cuachon posible pa umanong madagdagan ang
nasabing bilang ngayong papasok na naman ang panahon ng tag-ulan.
Dahil dito, pinayuhanan naman ni Cuachon ang publiko na
ipagpatuloy ang paglilinis sa paligid upang maiwasan ang pagdami ng lamok na
siyang dahilan ng pagdadala ng sakit na dengue.
Nabatid na ang Pilipinas umano ang siyang nangunguna sa
may pinakamaraming kaso ng dengue sa Western Pacific Region.
Samantala ang Pilipinas naman ang unang nagkaroon ng
access na gamot para sa dengue kung saan ipinatupad ito sa Region 4A, Region 3,
NCR at CALABARZON.
No comments:
Post a Comment