Pages

Saturday, May 28, 2016

Kalahati ng financial assistance ng mga guro na apektado ng Yolanda inaantay parin

Posted May 28, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Halos dalawang taon na ng manalasa ang bagyong Yolanda sa probinsya ng Aklan, ngunit hindi parin umano nakukuha ng buo ng mga gurong apektado ang kanilang financial assistance.

Ito ang sinabi ni Dr. Ernesto Servillon Jr. – Asst. Schools Division Superintendent kung saan nag-aantay parin umano sa ngayon ang mga guro ng kanilang second tranche o pangalawang parte ng kanilang dapat na matatanggap na financial assistance mula sa gobyerno.

Nabatid na ang apektadong guro na totally damage ang bahay ay makakatanggap ng 100, 000 pesos habang ang partially damage ay 30,000 pesos.  

Ayon kay Servillon, natanggap na umano ng mga biktima ang kanilang 50% na assistance, ngunit bago umano nila makuha ang kalahati ay kailangan pa nilang i-liquidate ang nauna nilang natanggap.

Samantala, minamadali na rin umano ng kanilang accounting office na matapos na ang mga kinakailangang dokumento para matanggap na ng mga guro ang kalahati ng kanilang assistance.

No comments:

Post a Comment