Ni Inna Carol L. Zambrona,
YES FM Boracay
Kasado na ang
preparasyon ng Boracay Foundation Inc., o (BFI) para sa nalalapit na Flores De
Mayo ngayong taon.
Ayon kay BFI Executive Director Pia Miraflores, sa petsa a-benti-uno ng Mayo na ito
gaganapin kung saan bago
magsimula ang programa ay pangungunahan muna ito ng misa sa alas-3 ng hapon sa
Boracay Holy Rosary Church, at mag-uumpisa
ang kanilang parada sa front beach sa Willies Rock papuntang Hennan Regency
Resort kung saan mag-uumpisa ang programa at awarding.
Nabatid na
sampung mga reyna ang lalahok na magmumula sa ibat-ibang business establishments
na mga myembro rin ng BFI.
Samantala
magpapaligsahan naman ang mga ito sa kanilang makukulay na kasuotan na gawa sa Indigenous
materials kung saan may mga special awards na nakalaan para sa “Best in Dress”,
“Best in Floral Arch”,at “Best in Escort” .
Ang
pinaka-highlight din ay ang pagdeklara at pagkorona sa bagong Reyna Elena o
festival queen.
Ang Flores De Mayo
ay nasa ika-apat na taon na sa Boracay kung saan ang layunin nito ay maipakita
ang kulturang pinoy lalo na sa mga turistang nagbabakasyon sa isla.
Samantala, ang selebrasyong
ito ay nagbubukod-tangi dahil sa ang parada ng mga reyna ay ginagawa sa
dalampasigan at hindi sa kalsada na ating naka-ugalian.
No comments:
Post a Comment