Posted May 16, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nagkukumahog na ang Department of Education (DepEd) Malay
ang pagsisimula ng K to 12 program ngayong pagbubukas ng pasukan sa Hunyo 13,
2016.
Ayon kay Malay Public Schools District Supervisor Jessie
Flores, puspusan na ngayon ang kanilang mga paghahanda para sa nasabing
programa kung saan hinihikayat din nila ang mga magulang ng mga mag-aaral na
magpalista na para sa pagbubukas ng klase.
Nabatid na kailangan ng isumite ngayong linggo ng mga
paaralan sa Division Office ang mga listahan ng mga mag-aaral na nakapag-enroll
sa ibat-ibang ino-offer na training sa mga estudyante.
Napag-alaman na karamihan sa mga training na nakuha ng mga
paaralan sa Malay ay may kaugnayan sa turismo at housekeeping dahil sa isla ng
Boracay.
Ang k to 12 Sr High ay paghahanda sa kinabikasan ng bawat
estudyante na magkaroon ng trabaho, negosyo o ipagpatuloy ang kolehiyo.
No comments:
Post a Comment