Posted May 5, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Naglabas ngayon ng paalala ang Commission on Elections
(Comelec) Malay hinggil sa isasagawang botohan sa Lunes.
Ayon kay Malay Comelec Officer at PIO Chrispin Raymund
Gerardo, bawal ang paninigarilyo sa loob ng presento o sa paligid nito, dahil
sa maaari umano itong maglikha ng sunog lalo na at sa mga paaralan gaganapin
ang botohan.
Maliban dito bawal din umano ang pagkuha ng litrato o
pag-selfie kasama ang baloto dahil sa isa itong confidential na bagay.
Samantala, pinayuhan naman ni Gerardo ang mga botante na
maaari silang magdala ng mga sample ballot para mas mapadali ang kanilang
pagboto ngunit ito umano ay dapat sarili nilang ginawa at hindi bigay ng mga
kandidato.
No comments:
Post a Comment