Posted May 31, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ngayong darating na Sabado Hunyo 4 ay nakatakdang isagawa
sa probinsya ng Aklan ang Eskwela Maintenance Week at Culminating Activity ng
DepEd.
Ito ay i-momonitor naman ng Regional at Division
Monitoring Team na isasagawa sa buong eskwelahan sa probinsya ng Aklan.
Nabatid na kahapon ay nagkaroon ng kickoff ang DepEd Division
Office kung saan ang bayan ng Numancia ngayong taon ang napiling host bilang
pagbubukas ng Brigada Eskwela na dinaluhan naman ng lahat ng mga bayan sa
Aklan.
Ang Brigada Eskwela ay isang pagtutulungan para sa
schools maintenance program kung saan nagtitipon-tipon ang ibat-ibang
organisasyon, mga guro at mag-aaral kasama ang kanilang mga magulang sa
paglilinis sa mga paaralan bilang paghahanda sa pagbubukas ng pasukan.
Ang tema naman ngayong taon ng Brigada ay “Tayo Para sa
Paaralang Ligtas, Maayos at Handa Mula sa Kindergarten Hanggang Senior High
School.
No comments:
Post a Comment