Posted May 31, 2016
Ni Inna Carol L.
Zambrona YES FM Boracay
Kasabay ng isinagawa ng Brigada Eskwela naglabas naman
ngayon ng guidelines ang mga guro ng Boracay National high school (BNHS) sa mga
magulang ng mga mag-i-enroll ng kanilang mga estudyante.
Ayon kay BNHS School Head Victor Supetran, nagkaroon
umano sila ng meeting sa head office kung ano ang mga palatuntunan na kanilang
ibabahagi sa mga guro na siya ring magbibigay ng guidelines sa mga magulang at
estudyante bago ang araw ng pasukan.
Kaugnay nito, muling nanawagan si Supetran sa mga
magulang na mag-enroll na habang malayo pa ang pasukan upang mapabilang sila sa
mga upuan dahil, kung sino man ang mahuli ng enroll at wala ng maupuan ay
obligado na itong bumili ng sarili niyang upuan.
Nabatid, na kung sino man ang may tanong o reaksyon sa
mga patakaran ng Deped ay pwede silang pumunta o tumawag sa School Division
Office.
No comments:
Post a Comment