Posted May 20, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Pasukan na naman
kung kayat naghahanda na ang Municipal Health Office ng Malay para sa
nakatakdang School base immunization program para sa mga mag-aaral.
Ayon kay MHO
Nurse II Arbie Aspiras, taon-taon umano nilang itong ginagawa para malabanan ang
degdas na kalimitang dumadapo sa mga kabataan.
Tiniyak naman
nito na lahat ng mga kabataan o mga estudyante sa Malay ay mabibigyan ng libreng
bakuna para makaiwas sa sakit.
Nabatid na noong
nakaraang taon ay daan-daang kabataan ang sumalilalim sa nasabing immunization
na ginaganap tuwing buwan ng Agosto.
Samantala, ang
programang ito ng MHO ay para makatulong din sa paglaban sa iba pang naglalabasang
sakit ngayong panahon ng tag-ulan.
No comments:
Post a Comment