Posted May 7, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nasa kabuuang tatlumpung Vote Counting Machine (VCM) na
ang nai-deliver sa isla ng Boracay kahapon para sa gaganaping national at local
election sa Mayo.
Ito ang sinabi ni BTAC Deputy Chief at SPO1 Christopher
Mendoza, PCR PNCO, sa panayam ng himpilang ito.
Ayon kay Mendoza sampung VCM ang napunta sa Brgy.
Balabag, Lima sa Yapak at 15 naman umano sa Manoc-Manoc.
Sinabi nito na mahigpit ang kanilang pagbabantay sa
nasabing VCM magmula sa Comelec Office sa Malay hanggang sa mai-deliver ito sa
isla ng Boracay kahapon na pinangunahan naman ni Comelec Malay Officer II Chrispin
Raymund Gerardo katuwang ang mga Board of Election Inspectors (BEI).
Maliban dito nasa 100 porsyento na umanong naka-deploy
ang hanay ng mga pulis sa mga presento kung saan gaganapin ang halalan.
Nabatid na noong Miyerkules pa dumating ang mga VCM sa
bayan ng Malay kasama ang mga technician na mag-aayos nito sakaling magkaroon
ng problema.
No comments:
Post a Comment