Posted April 15, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ang West Visayas Regional Athletic Association (WVRAA) ang
tinanghal na over-all champion sa Paralympics ng Palarong Pambansa 2016 na
ginanap sa Albay City.
Ito ay base sa inilabas na resulta ng kinatawan ng naturang
Palaro at base na rin sa kumpirmasyon ni Malay District Supervisor Jessie
Flores.
Nabatid na nakakuha ng 15 Gold ang WVRAA, 11 Silver at 8 na
Bronze sa larangan ng ibat-ibang laro para sa may mga kapansanan.
Samantala ang Malaynon Athlete naman na si Edwin
Villanueva ang tinanghal na overall champion sa Palarong Pambansa 2016 sa
swimming special events kung saan naging Gold Medalist siya sa Breaststroke, Backstroke
at sa Freestyle.
Matatandaang naging inspirasyon si Edwin sa mga manlalaro
matapos niyang ibahagi ang kwento ng kanyang buhay sa himpilang ito, kung saan
hindi naging hadlang ang kanyang kapansanan dahil sa pareho nitong putol na paa
para maging isang magaling na manlalangoy.
No comments:
Post a Comment