Posted April 19, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Base sa tala ng Municipal Tourism Office (Mtour) Malay,
patuloy na tumataas ang bilang ng mga nagbabakasyon turista sa isla kung saan
karamihan naman sa mga ito ay mga local tourist.
Nabatid na malapit na ang kina-aabangang LaBoracay 2016
kung saan ibat-ibang aktibidad ang magaganap sa isla simula sa susunod na
linggo hanggang sa Mayo 1, 2016.
Sa ngayon mistulang siyudad na rin ang isla dahil sa
matinding trapiko na nararanasan kung saan nagkaka-ubusan na rin ng mga
sasakyan dahil sa dami ng pasahero.
Samantala, all-out naman ang ginagawang pagbabantay ng
mga otoridad sa seguridad ng mga turista at para sa isla ng Boracay.
No comments:
Post a Comment