Posted April 8, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Tinangay umano ng
hindi nakilalang magnanakaw ang cellphone ng isang bakasyunista sa isla ng
Boracay habang kumukuha ng litrato sa beach area station 2 kahapon.
Sumbong ng
biktimang si Raquel Linquino 33-anyos ng Norzagaray Bulacan at temporaryong
nakatira sa isang apartel sa Boracay PNP, kasama niya umano ang kanyang pamilya
sa dalampasigan ng magpa-picture sa kanya ang kanyang pinsan kung saan nilagay
naman nito ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa.
Nabatid na habang
nag-pipicture ito ay napansin nalang nito na nawawala na ang kanyang cellphone.
Sinabi naman ng
biktima na tanging mga bata lamang na gumagawa ng sand castle ang mga tao sa
lugar ng mawala ang kanyang cellphone.
Samantala,
patuloy namang inaalam ng mga pulis ang nangyaring nakawan.
No comments:
Post a Comment