Posted April 26, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Hindi umano apektado ng El Niño ang probinsya ng Aklan
base sa pahayag ni Salome David, Provincial Agriculturist ng Agricultures Office.
Ayon kay David, walang mga bayan sa Aklan ang
nakapag-sumite sa kanilang ng mga report na ang kanilang mga pananim ay
apektado ng sobrang init.
Sinabi nito na bago paman naranasan ngayon ang tindi ng
init ay nakapag-harvest na umano ang mga magsasaka ng kanilang mga panamim lalo
na ang mga palay.
Idinagdag din nito na isinailalim na umano ngayon sa
state of calamity ang katabing probinsya na Iloilo dahil sa sobrang init na
nararanasan doon kung saan namamatay na ang mga pananim dahil sa sobrang
pagkatuyo ng lupa.
Samantala tiniyak naman ng tanggapan ni David na handa
sila sakaling maranasan nga ang sobrang init sa probinsya kung saan ilang
hakbang ang kanilang gagawin para matulungan ang mga magsasaka.
No comments:
Post a Comment