Posted April 29, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Mas pinili ng iilang mga turista mula sa ibat-ibang lugar
sa bansa na sumakay na lamang ng mga Roro-vessel para magbakasyon sa Boracay o
masaksihan ang LaBoracay 2016.
Ayon kay Special Operation III Jean Pontero ng Jetty Port
Administration, sobrang dami na umano ngayon ang mga pasahero o mga turistang
nagbabakasyon sa isla ng Boracay.
Nabatid na karamihan sa mga sakay ng Roro ay mula sa
ibat-ibang siyudad sa Manila kung saan ang ruta nito ay mula sa Batanggas City
hanggang Caticlan Jetty Port.
Napag-alaman kasi na halos fully booked na rin ang mga
flight ng mga eroplano at medyo tumaas ang bentahan ng ticket.
Samantala, all-out naman ang pamunuan ng pantalan para sa
pagpapaigting ng seguridad sa lugar katuwang ang mga pulis at mga taga
Philippine Coastguard sa pagbabantay sa biyahe ng mga bangka hanggang sa
kagamitan ng mga pasahero.
Ang LaBoracay ay kasalukuyan ng ginaganap ngayon sa isla
hanggang sa Mayo 3 kung saan sa Mayo 1 o Labor Day ang siyang inaaasahang dami
ng mga turista dahil sa kaliwat-kanang party on beach.
No comments:
Post a Comment