Pages

Thursday, April 21, 2016

Panibagong kumpanya ng E-trike nais pasukin ang operasyon sa Boracay

Posted April 21, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Dahil sa sinasabing pag-phase out ng mga tricycle unit sa isla ng Boracay ay isa na namang kumpanya ng e-trike o electric tricycle ang gustong pasukin ang operasyon sa isla.


Ito’y makaraang magkaroon sila ng presentasyon ng kanilang kumpanya at ng kanilang produkto sa ginanap na SB Session ng Malay nitong Martes.

Ang Prozza Hirose Manufacturing Inc. ay ilan lamang sa mga kumpanya ng e-trike na gustong mag-operate sa isla ng Boracay.

Base sa presentasyon ng nasabing kumpanya, nagkakaroon sila ngayon ng operasyon sa Cebu City kung saan may malaking pagkaka-iba ito kumpara sa mga e-trike ngayon sa Boracay.

Nabatid na kung sakaling papayagan ng konseho ang kanilang hiling ay gagawa sila ng sariling specification para lamang sa Boracay base na rin sa inilabas na desisinyo at sukat ng LGU Malay.

Maliban dito ang Prozza Hirose,  umano ay maglalagay ng isang charging station sa isla kasama na rito ang apat na swapping stations sa tatlong brgy. sa Boracay kung saan maaari namang magkarga ang nasabing sasakyan ng dalawang baterya bilang ang isa ay reserba.

Samantala, isasailalim muna ito sa committee hearing sa pangunguna ng committee on Transportation bago magkaroon ng desisyon ang konseho.

No comments:

Post a Comment