Posted April 6, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ikinaalarma ngayon ng Aklan Provincial Office (PHO) ang
pagtaas ng kaso ng dengue sa probinsya na umabot sa 160%.
Ayon kay Dr. Cornelio Cuachon ng Provincial Health
Office, dapat kailangang panatilihing malinis ang kapaligiran ng sa ganon ay
maiwasan ang tumataas na kaso ng dengue.
Base sa kanilang report simula nitong Enero 1 hanggang
Marso 22, 2016 ay naitala nila ang kabuuang kaso na 286 kung saan mas mataas ito
kumpara sa nakalipas na taon at parehong period na mayroon lamang na 110 na
kaso.
Kaugnay nito ang Bayan ng Kalibo ang siyang nangunguna sa
may pinakamataas na kaso na may 64, sumunod ang Banga na may 27, bayan ng Malay
na may 24, New Washington na may 23 at ang bayan ng Nabas at Buruanga na may
parehong tig-21 kaso.
Maliban dito halos lahat naman ng bayan sa Aklan ay
mayroong mga kaso ng nasabing dengue ngunit hindi ganoon kataas kumpara sa
limang bayan na nabanggit.
Samantala, paalala pa ni Cuachon na kahit ganitong
tag-init ay laganap parin ang dengue kung kayat dapat umanong tiyaking malinis
ang posibleng pamugaran ng lamok.
No comments:
Post a Comment