Posted April
15, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Photo by: bitagtheoriginal.com |
Kinalampag ngayon ni Aklan police officer in-charge
PSSUPT John Mitchell Jamili ang mga pulis at civilian sa pagsusuot ng helmet.
Ayon kay Jamili, dapat umanong sundin ng mga motorista at
ng mga pulis ang umiiral na batas dahil para din umano ito sa kanilang
kaligtasan.
Nabatid na ito ay may kaugnayan sa “OPLAN Mag-ingat Ka
Mahal” or No Helmet, No Travel Policy, ng PNP kung saan iginiit pa nito na
kahit sila umanong mga law enforcers ay hindi exempted sa batas na ito.
Samantala, ipinag-utos na rin umano nito sa mga Chiefs of
Police sa mga municipal police stations sa probinsya na paalalahanan ang kanilang
mga tauhan tungkol sa administrative case na maaaring kakaharapin sa hindi
pagsusuot ng helmet kabilang na ang mga civilian.
No comments:
Post a Comment