Pages

Thursday, April 28, 2016

Mahigit 50 libong turista inaasahang dadagsa ngayong LaBoracay 2016

Posted April 28, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for laboracay 2016Ang LaBoracay ang siyang dahilan kung bakit dumadagsa ang maraming turista sa isla tuwing huling linggo ng Abril hanggang Mayo 3.

Ito ay dahil sa ibat-ibang malalaking event na idinaraos sa isla na siyang gustong masaksihan ang mga aktibidad o party on the beach na ino-organisa ng malalaking kumpanya sa bansa maging sa labas ng Pilipinas.

Dahil dito ang Municipal Tourism Office sa pamumuno ni Municipal Tourism Officer Felix Delos Santos ay umaasa umanong aabot sa 50 libong turista ang makikisaya sa nasabing event.

Nabatid na tuloy-tuloy na ang buhos ng dami ng turista simula pa nitong mga nakaraang araw kung saan karamihan sa mga ito ay mag-babarkada na local tourist.

Samantala, inaasahan namang magpapa-ingay sa mga event sa Boracay ang mga kilalang Dj sa bansa gayon din ang mga sikat na artista.

Nabatid na umabot sa 50,099 na turista ang nakisaya sa LaBoracay week noong nakaraang taon kung saan ngayong 2016 ay nasa-ikatlong pagkakataon na itong ginagawa sa isla.

No comments:

Post a Comment