Pages

Monday, April 18, 2016

Largest cable operator sa bansa tutulong sa Coral Rehabilitation Program ng BFI

Posted April 18, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for corals in boracay]Nagpahayag ng pagtulong ang isang malaking cable operator sa bansa para sa Coral Rehabilitation Program ng Boracay Foundation Inc. (BFI).

Ito ay sa pamamagitan ng isasagawang fun run sa isla ng Boracay ngayong Abril 23, 2016 kung saan tinatayang 800 run enthusiasts ang sasali rito na kinabibilangan ng mga residente ng Boracay at mga turista para sa isang weekend celebration with a cause.

Dahil dito bukas ang registration para sa dalawang categories na 5k at 10k na magsisimula ng alas-6: ng umaga sa D’mall beach area Station 2.

Nabatid na ang malilipon sa isasagawang fun run ngayong taon ay para mailigtas ang mga korales sa isla sa pamamagitan ng Coral Refurbishment Project ng BFI.

Samantala, base sa BFI tutulong din umano ang executives ng naturang kumpanya sa pagtatanim ng mga korales sa isla para sa pagpapakita ng suporta para sa kapaki-pakinabang na dahilan.

No comments:

Post a Comment