Pages

Tuesday, April 26, 2016

Kaso ng dengue ngayon sa Aklan tumaas ng 155%

Posted April 26, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for dengueTumaas na naman ngayon ng 154.62 percent ang kaso ng dengue sa probinsya ng Aklan base sa tala ng Provincial Health Office (PHO).

Dito nakapagtala ng record ang PHO ng 303 na kaso mula noong Enero 1 hanggang nitong Abril 13 ngayong taon kumpara sa kaparehong period noong 2015 na umabot lamang sa 119 na kaso.

Karamihan naman sa mga tinamaan nito ay mga bata na nasa edad 1 hanggang 10-taong gulang base naman sa datos ng Provincial Epidemiology Surveillance and Response Unit.

Nabatid na lahat naman ng mga bayan sa Aklan ay may kaso ng dengue kung saan nangunguna nga rito ang bayan ng Kalibo na may 66 na kaso, sumunod ang Malay na may 31 at Banga na may kasong 29.

Sinundan din ito ng bayan ng New Washington na may 23 na kaso; Nabas, 22; Buruanga, 21; Numancia, 18; Balete at Libacao na may tig-14 na kaso; Malinao, 11; at Batan, 10.

Samantala iba pang bayan na may 10 pababang kaso ay ang bayan Makato at Tangalan na may tig-siyam; Ibajay, walo; Altavas, pito; Madalag, apat; at Lezo, tatlo.

No comments:

Post a Comment