Posted April 22, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Boracay PNP photos |
Isa na namang grupo ng mga Aeta at Badjao Mendicants o
namamalimos ang na-rescue ng mga otoridad sa mainroad ng isla ng Boracay
kahapon.
Ito ay sa pinag-samang pwersa ng Boracay PNP, Municipal
Auxiliary Police, Tourism Regulatory Enforcement Unit at Barangay Tanod ng Manocmanoc
sa pangunguna ng MSWDO-Boracay at ni PINSP Jinky Lou Ramos, Chief of Women and
Children Protection Desk.
Na-rescue ang mga Aeta at Badjao sa nasabing operasyon sa
area ng Talipapa Bukid kung saan nakahilira ang mga ito sa gilid ng daan para
mag-binta ng kung ano-anong klaseng gamot na sila mismo ang gumagawa kasabay ng
pamamalimos.
Ayon naman kay Senior Police Officer I Christopher
Mendoza ng BTAC Police Community Relations, nanggaling pa umano ang mga
nasabing Badjao sa Zamboanga habang ang mga Ati naman ay sa Kalibo.
Samantala, agad rin umano nilang itinawid sa isla at
itinurn-over sa Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO)-Malay ang
mga na-rescue.
No comments:
Post a Comment