Posted April 1, 2016
Ni Inna Carol L.
Zambrona,YES FM Boracay
Laking gulat umano ng isang babae matapos itong
pagnakawan habang natutulog sa kanyang boarding house sa Sitio Hagdan, Brgy. Yapak,
Boracay.
Nakilala ang biktima na si Claire Aspera 24-anyos isang
Lady Guard at residente ng Li-ong Roxas City habang temporaryong nakatira sa
nasabing Brgy.
Ayon sa blotter report ng Boracay Tourist Assistance
Center o (BTAC), nagising nalang umano ito na nawawala na ang kanyang tatlong
cellphone, I’d at cash na nagkakahalaga ng P4,800.
Nabatid sa report na nilagay umano ng biktima sa kanyang
bag ang pera at I’d nito at saka itinabi sa gilid ng kanyang kama habang ang
cellphone naman ay naka-charge sa itaas ng lamesa.
Subalit, sa paghahanap naman ng biktima ay dito niya
umano nadiskubrihan na ang pintuan ng kanyang kusina ay naka-bukas na kung saan
sinasabing dito dumaan ang hindi nakilalang magnanakaw.
No comments:
Post a Comment