Posted April
12, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Pumapangalawa ngayon ang bayan ng Malay sa may
pinakamaraming bagong building construction project sa probinsya ng Aklan na
may bilang na 144 (28.02%).
Ito ay base sa inilabas na record ng Philippine
Statistics Authority (PSA) nitong 2015 kung saan ang bayan naman ng Kalibo ang
nangunguna rito na may 228 (44.36%).
Napag-alaman na ang kabuuang bilang na bagong
construction projects na aprobada na may
building permit sa Aklan ay umabot sa 522 nitong 2015 kung saan bumaba
naman ito ng 13.43 percent kumapara sa 2014 figure na may 603.
Pumapangatlo naman rito ang bayan ng Banga na may 31
(6.03%) sumunod ang New Washington at Numancia na may parehong 24 (4.67%.
Nabatid na ang patuloy na pagtaas ng mga bagong
construction sa bayan ng Malay ay dahil sa kaliwat-kanang construction project
sa isla ng Boracay.
No comments:
Post a Comment