Posted April 11, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Sa pinagsamang
pwersa ng APPO tracker team, Maritime Police, Boracay PNP, Ibajay PNP at FPAN
PNP Force Multiplier nahuli ang suspek na si Donamae Dujali 36-anyos residente
ng Purok 1, Brgy. Laguinbanua, Ibajay, Aklan at temporaryong nakatira sa
nasabing Brgy.
Inaresto ang
suspek sa pagnanakaw ng pera kung saan tatlong beses na rin itong sinampahan ng
kaso na nilagdaan ni Hon. Judge Ronald Exmundo ng 6th Judicial Region, Branch 4
Kalibo at presiding Judge Nelson Bartolome ng RTC 6th Judicial Region, Branch
8, Kalibo na may parehong petsang March 31, 2016.
Samantala,
naglaan naman ng P24, 000 at P 40, 000 na piyansa ang korte para sa
pansamantalang kalayaan ng suspek na ngayon ay ikinustodiya na sa Ibajay PNP
para sa karampatang disposisyon.
No comments:
Post a Comment