Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Kulong sa Boracay PNP ang isang babae na nanghamon ng
away sa tinutuluyan nitong boarding house sa Brgy. Yapak, Boracay kaninang
madaling araw.
Sa report ng mga pulis nakilala ang dalawang nagre-reklamo
na si Elma Bacayan 63-anyos land lady ng Boarding house at Mary Jane Salazar
38-anyos habang kinilala naman ang suspek na si Rizalina Sagarino 42-anyos residente
ng Lapu-lapu Cebu at nakatira sa nasabing Brgy.
Sumbong ng dalawa sa Boracay PNP, nasa ilalim umano ng
nakakalasing na inumin ang suspek ng dumating sa lugar kung saan pinag-hahamon
nito ng away ang mga boarders.
Nabatid na dahil umano sa hindi mapatigil sa pag-wawala
ang suspek ay dito na nila ito tinawagan ng pulis na ngayon ay pansamantalang
nakakulong sa lock-up-cell ng Boracay PNP dahil sa nagawang panggugulo.
No comments:
Post a Comment