Pages

Tuesday, April 05, 2016

AKLAN PPO, nakapagtala na ng 33 Gun Ban violators sa probinsya

Posted April 5, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for Comelec Gun BanUmabot na ngayon sa tatlumput tatlo ang kaso ng Gun Ban violators sa probinsya ng Aklan.

Ito ay base sa inilabas na datos ng Aklan Police Provincial Office (APPO) kung saan ang probinsya ng Aklan ang pumapangalawa sa may pinakamaraming nag-violate sa Western Visayas.

Maliban dito, nangunguna naman ang Iloilo na may 67 na kaso, Pangatlo ang Antique, Ika-apat ang Capiz na may 22 at Pumapanglima naman ang Guimaras na may kasong 4.

Nabatid na umaabot naman sa 176 ang kabuuang kaso sa Western Visayas kung saan nakakumpiska rito ang mga pulis ng Firearms na 133, Bladed weapon na 81, Deadly Weapon na 7, Replica na 1, Explosives na 25 at ang abandoned at safekeeping firearms na umabot naman sa 43.

No comments:

Post a Comment