Posted April 15, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Bibida nanaman
ang mga pruduktong Aklanon dahil sa gaganaping Aklan Piña and Fiber Festival sa
Abril 21, 2016 sa Capitol Site Kalibo, Aklan.
Nabatid na ang isang
araw na exhibit na ito ay mag-uumpisa ng alas-9 ng umaga hanggang alas- 8 ng
gabi.
Samantala magiging
panauhing pandangal naman sa gaganaping programa rito sina Engr. Roy Abaya, Regional
Executive Director at Department Of Agriculture Region 6 at Rebecca Rascon OIC-
Regional Director ng Department of Agriculture Region 6 at mga mga opisyal ng
gobyerno ng Aklan.
Maliban dito, ang
nasabing exhibit ay proyekto ng Department of Trade and Industry (DTI), Hugod
Aklanon Producers Association Inc., sa pakikipag-tulungan sa Provincial
Government ng Aklan at Philippine Fiber Industry Development Authority.
No comments:
Post a Comment