Pages

Wednesday, April 06, 2016

61 atletang Aklanon, handa na sa Palarong Pambansa

Posted April 6, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for palarong pambansa 2016Handa na umano ang mahigit 61 atletang maglalaro sa darating na Palarong Pambansa na gaganapin sa Legazpi City, Albay mula April 10-16, 2016.

Ayon kay DepEd-Aklan Education Program Supervisor Mary Ann Lopez, ito umano ang kauna-unahan na ang ilan sa mga magagaling na atleta ng probinsya ng Aklan ay maglalaro sa Palarong pambansa sa Legaspi City.

Isa umano dito ay si Kyla Suguilon ng Kalibo na maglalaro sa swimming category habang si Angelica de Josef at Christiane Paul Tiongson ng Lezo, Aklan ay nasa runner category.

Nabatid na ang Aklan ang nakakuha ng pangalawang spot sa nakaraang 2016 Western Visayas Regional Athletic Association (WVRAA) noong Pebrero sa probinsya ng Iloilo.

Ang Albay at DepED regional office V ang siyang mangangatawan ngayong taon sa nasabing Palarong Pambansa katuwang ang mga Schools Division Offices ng Albay Legaspi City kung saan umaasa naman sila na mahigit 18, 000 atleta ang lalaro dito kasama mula sa 18 regions sa bansa.

No comments:

Post a Comment