Posted March
17, 2016
Ni Jay-ar M. Aranrte, YES FM Boracay
Ramdam na ngayon ang panahon ng tag-init o summer sa
bansa partikular sa isla ng Boracay kung kayat unti-unti ng dumadagsa ang
maraming turista para magbakasyon.
Katunayan nararanasan na muli ang kadalasang haba ng pila
sa Caticlan Jetty Port dahil sa maraming mga pumapasok na turista sa isla.
Maliban dito, halos fully booked na rin ang karamihan sa
mga nag-lalakihang hotel sa Boracay hanggang sa susunod na linggo o holy week.
Dahil dito kaliwat kanan naman ang ginagawa ngayong
meeting ng mga security forces sa isla sa pangunguna ng Boracay Action Group
katuwang ang mga kapulisan para sa pagpapaigting ng seguridad lalo na sa mga
matataong lugar sa Boracay.
Samantala, inaasahang mas dadagsain pa ng maraming tao
ang Boracay ngayong holy week kung saan mahaba ang bakasyon para sa pagnilay-nilay
sa ginawang sakripisyo ni ng Jesus Cristo.
No comments:
Post a Comment