Posted March
16, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Hindi parin ngayon na-aaprobahan ang budget ng Local
Government Unit (LGU) Malay para sa taong 2016.
Dahil dito, hiniling ni SB member Jupiter Gallenero
nitong nakaraang 10th Regular SB Session ng Malay na magsagawa ng
special session para sa deliberasyon at pag-aproba ng naturang budget.
Ngunit sinabi naman ni SB member at Chairman ng committee
on Laws Rowen Aguirre na hindi na kailangang magkaroon ng special session,
bagkus itatakda umano nila ito sa susunod na session bago ang Holy week.
Nabatid na nagkaroon ng bulong-bulungan sa isinagawang
session nitong Martes na tila dene-delay ang pag-aproba ng naturang budget
ngunit iginiit ni Aguirre na siyang nangunguna sa deliberasyon sa pondo na
walang may gustong ma-delay ito.
Napag-alaman kasi na hindi makagalaw ngayon ang mga
department heads ng LGU Malay para sa kanilang mga proyekto at pangangailangan
kagaya ng office supplies.
Ilan sa mga nagmamadali na ma-aproba ang budget ay ang
Municipal Health Office (MHO) dahil sa wala na silang suplay na gamot para sa
mga nangangailangang pasyente.
Samantala, sinasabing natagalan ang deliberasyon sa
pag-aproba ng budget ay dahil sa pag-himay at pag-babago sa bawat pondong
paggamitan.
No comments:
Post a Comment