Posted March
12, 2016
Ni Alan Palma Sr., YES FM Boracay
Pinangunahan ni DOH Secretary Janette Garin ang ang
isinagawang Groundbreaking Ceremony para sa panibagong extension building ng
Dr. Rafael S Tumbukon Memorial Hospital sa bayan ng Kalibo.
Ang tatlong palapag na hospital building ay nagkakahalaga
ng P132.3-M na pinunduhan ng Department of Health na bahagi ng Health
Facilities Enhancement Program ng departamento.
Pagkatapos ng ground breaking ceremony na kung saan ay
dinaluhan din nina Aklan Governor Florencio Miraflores at iba pang provincial
officials ng Aklan ay namahagi rin ang kalihim ng mga medical equipments sa
lahat ng mga Health Centers, Rural Health Unit, at mga District Hospitals sa 17
bayan sa Aklan.
Ang bayan ng Malay ay isa sa mga tumanggap ng mga
gamit-pangkalusugan tulad ng mga Digital BP Apparatus, Dressing Set,
Thermometers, Glucometers, Nebulizers, at marami pang iba na personal na
tinanggap ng mga kawani ng Malay Health Office.
Ayon kay Garin, mapalad ang Aklan dahil isa ito sa mga
probinsya na na-handogan ng mga proyektong tulad nito kung saan higit na
makakatulong at maka benipisyo dito ang mga mahihirap at walang kakayahan na
mag pagamot sa pribadong hospital.
Samantala, ayon kay Miraflores ang Don Ciriaco Tirol
Memorial Hospital sa Boracay ay isa din sa priority project ng DOH at ng
Provincial Government na minamadali na para mapakinabangan ng mga taga-isla
subalit nagkaroon ng mga delay dahil umano sa problema sa boundary at
drainage sa area.
No comments:
Post a Comment